Hunyo 18, 2017, Daet, Camarines Norte – Nasungkit ng kandidata mula sa bayan ng Paracale ang korona bilang Miss Pinyasan 2017 sa isinagawang pageant and coronation night kagabi sa Agro Sports Center, bayan ng Daet.
Tinalo ni candidate number 6, Shiermay Elnar mula sa bayan ng Paracale ang labinglima pang kandidata sa nasambit na patimpalak.
Nakuha naman ng mga sumusunod na kandidata ang iba pang major awards sa patimpalak:
2nd runner up – Stephanie Joy Dacillo
1st runner up – Patricia Ellheyamel V. Lakbay
Miss Tourism 2017 – Ellaine D. Decano
Miss Daet 2017 – Mariel Baclagan
Nag uwi naman ng minor awards ang mga sumusunod na kandidata:
Best in Swimsuit – Ellaine D. Decano
Miss Photogenic – Janica Mae A. Concordia
Miss Friendship – Monika Regina Ramores
Best in Production Number – Shiermay Elnar
Best in Gown – Shiermay Elnar
Ang nasabing pageant ay isa sa mga highlights sa pagdiriwang ng Pinyasan Festival 2017 ng bayan ng Daet na nagtatampok sa ganda, husay at talino ng mga kababaihan sa naturang bayan maging sa lalawigan.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
Photo courtesy of Allan Avecilla

