TEMPORARY PATROL BASE NG 902ND IB SA BAYAN NG LABO, NILUSOB NG MGA HINIHINALANG REBELDE!

domagmang608

Hunyo 21, 2017, Labo, Camarines Norte – Namataan ng mga residente dakong 3:00 ng madaling araw kanina sa Brgy. Domagmang, Labo, Camarines Norte ang mga grupo ng armadong kalalakihang pinaniniwalaang mga rebelde.

Patungo umano ang grupo sa isang temporary patrol base ng 902 Infantry Brigade na nakabase sa nasambit na lugar. Dahil dito, naalarma umano ang mga kasamahang sundalo at agad na tumawag ng reinforcement sa isa pang detachment na nakabase sa Brgy. Mahawanhawan ng naturang bayan.

Ayon sa pahayag ng ilang reliable source ng Camarines Norte News sa lugar ng insidente, habang rumiresponde ay isang pagsabog umano mula sa isang hinihinalang landmine ang narinig mula sa lugar kung saan isa umano ang patay at apat na sundalo ang sugatan.

domagmang2

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na kumpirmasyon mula sa hanay ng military ukol sa insidente.

Kaugnay nito, kabi-kabilang check point sa mga entry at exit point ng lalawigan ang ikinasa ng pamunuan ng PNP na naka heightened alert ngayon dahilan sa insidente.

domagmang1

Bagaman walang nangyaring madugong bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at militar dahil sa report na ipinaabot ng mga residenteng nakakita sa armadong grupo, itinuturing pa ring harassment umano ito ng mga rebelde sa hanay ng militar.

Hanggang ngayon ay patuloy pang naghihintay ang mga mamamahayag sa magiging pahayag ng mga otoridad.

Orlando Encinares / Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Photo courtesy of Kabalikat Bicol- Labo Chapter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *