Hunyo 22, 2017, Sta. Elena, Camarines Norte – Pinasok ng hindi nakilalang suspek ang tahanan ng isang negosyante sa Purok 6, Sitio Cambulong, Barangay Basiad, Sta Elena, Camarines Norte.
Kinilala ang biktimang si Maritess Pida y Ona, 57 anyos, may asawa, negosyante at residente ng nasambit na lugar.
Sa report na nakaabot sa Sta. Elena Municipal Police Station, dakong 2:00 ng madaling araw kamakalawa, Hunyo 20, nang pasukin umano ng hindi nakilalang suspek ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagsira at pagdaan sa kisame ng kwarto.
Natangay mula sa isang plastic drawer ang pera na nagkakahalagang Php 8,000.00.
Nagsasagawa na ng follow up investigation ang kapulisan para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

