PAGBIBITIW NI MON RAMOS BILANG MENRO, TINANGGAP NA NI MAYOR OCHOA!

Ramos-resigned-608

July 5, 2017, Daet, Camarines Norte – Tinanggap na ni Mayor Benito “B2k” Ochoa ang pagbibitiw ni Ginoong Ramon Ramos bilang pinuno ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa ilalim ng pamahalaang lokal ng Daet.

Sa pamamagitan ng sulat kamay, inihayag ni Ramos kay Mayor Ochoa ang kanyang pagbibitiw sa nasabing posisyon. Rason ng opisyal sa pagbibitiw ay para mabigyan ang ibang personahe ng pagkakataon na pamunuan ang nasabing tanggapan.

Hindi man direktang sinabi ni Ramos subalit makikita sa facebook account nito ang kanyang pagkadismaya sa ilang mga opisyal ng barangay na hindi nakikipagtulungan sa kanyang tanggapan upang matugunan ang isinasasaad ng Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act na mahigpit nang ipinatutupad ngayon sa buong bansa.

Sa loob ng isang taon ng panunungkulan bilang MENRO, sinabi  ni Ramos na ginawa naman nya ang lahat ng kanyang makakaya upang maging kapaki-pakinabang sa nasabing posisyon.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Municipal Information Officer Edwin U. Domingo, sinabi nito na hindi binigo ni Mayor Benito Ochoa si Ginoong Ramos sa kahilingan nitong pagbibitiw.

Nabatid din kay Domingo na Security Guard III ang nakatalagang posisyon nito bilang isang Co Terminos employee. Sa panahon pa anya ni dating Mayor Tito Sarion nanungkulan bilang Co terminus employee si Ramos subalit sa pagpasok ng administrasyon ni Ochoa ay hindi ito tinanggal at sa halip ay binigyan ito ng mahalagang tungkulin partikular ang MENRO.

Sa ngayon ay hindi pa batid kung ipagpapatuloy pa ni Mayor Ochoa ang panunungkulan ni Ramos sa munisipyo matapos na ayawan na nito ang posisyong ipinagkatiwala sa kanya ng alkalde.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *