NPA, PATAY MATAPOS MAKAENGKWENTRO ANG MGA SUNDALO SA CAMARINES SUR!

Hulyo 20,2017, Camp Busig-on, Labo, Camarines Norte —Patay ang isang rebeldeng NPA matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo laban sa makakaliwang grupo sa Barangay Salvacion, Ragay, Camarines Sur Hulyo 19.

Sa ulat, nagsasagawa ng lihitimong operasyon ang mga sundalo ng 92nd Division Reconnaissance Company (DRC) ng makasagupa nila ang humigit kumulang sa 50 mga rebelde bandang ala singko singkwenta (5:50) ng hapon.  Tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig kung saan ay napatay ang isang kasapi ng NPA. Ng mapagtanto ng mga rebelde na wala ng buhay ang kanilang kasama ay agad nilang iniwan ito at tumakas ang nasabing mga rebelde patungong silangang bahagi ng lugar kung saan sumiklab ang engkwentro.

Narekober naman sa pinangyarihan ang  isang bandoler, apat na short magazine ng M16,  dalawang pirasong cooking pot, isang jungle pack, isang solar flashlight at mga personal na kagamitan. Sa ngayon nagpapatuloy parin ang operasyon ng mga sundalo upang tugisin ang mga nagsitakas na mga rebelde at nagsagawa na rin ng mga blocking position sa posibling daraanan ng mga ito.

Ang nangyaring engkwentro ay bunga ng pinaigting na kampanya ng 902nd Brigade sa ilalim ng 9th Infantry Division Philippine Army laban sa mga rebeldeng NPA sa nasasakupan nito upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan at magkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa buong probinsya ng Camarines Norte at Camarines Sur.

Ayon naman kay Brigadier General Rolando C. Manalo AFP, Kumander ng 902nd Brigade, nagpapasalamat siya sa mga mamamayan dahil sa sumbong na may mga presensiya ng mga armado sa kanilang lugar.  Hinihikayat din ng opisyal ang mga rebeldeng NPA na isuko na ang kanilang armas upang hindi na mangyari sa kanila ang ganitong sitwasyon gaya ng ginawa ng kanilang mga kasama na basta nalang iwanan kapag patay na sa gitna ng labanan na hindi man lang maiuwi sa kanilang pamilya upang mabigyan ng maayos na libing.

Tangkilikin ang Comprehensive Local Integration Program (CLIP) na programa ng gobyerno upang mamuhay ng mapayapa sa komunidad kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.” Dagdag pa ng opisyal.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.