BAGONG LTO EXTENSION OFFICE, ITATAYO SA LALAWIGAN NG CAM NORTE!

lto608

Hulyo 21, 2017, Daet, Camarines Norte – Nakatakdang itayo sa Brgy. Sto. Domingo, bayan ng Vinzons ang isang extension office ng Land Transportation Office (LTO) sa likod ng Agri-Pinoy Trading Center sa nasambit na lugar.

Kasama sa nilagdaang MOA ni Gov. Edgardo Tallado, Vice Gov. Jonah Pimentel at mga bokal ng SP kamakalawa ang pagtatayo ng naturang opisina.

Ayon sa gobernador, ginagawan na ng plano ng Provincial Engineering Office ang itatayong bagong extension office ng LTO na may sukat na 5,000 sq meters.

Layunin sa pagtatayo ng nasabing opisina na mas mapagsilbihan ng maayos ang mga nagtatranskiyon dito nang sa gayon ay hindi na nagsisiksikan pa ang mga ito sa district office sa Brgy. Pamorangon.

Target din umano nito na mas mapadali ang oras ng transaksiyon na hindi lalampas sa sampung (10) minuto.
Isa ring problemang kinakaharap ng LTO Daet ang pagbabaha kapag tag ulan kung kayat kapag natapos na ang bagong opisina sa Brgy. Sto. Domingo ay posible umanong ito na ang gawing main office ng naturang ahensiya.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.