MOA PARA SA PAGBUBUKAS NG NBI SATELITE OFFICE SA CAMNORTE, NILAGDAAN NA!

nbi608

Hulyo 21, 2017, Daet, Camarines Norte – Pormal nang nilagdaan kamakalawa ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte at NBI kaugnay ng  nalalapit na pagbubukas ng isang satellite office ng NBI sa 3rd Floor ng Provincial Capitol building sa lalawigan ng Camarines Norte.

Pinangunahan ni Gov. Egay Tallado ang MOA signing kasama si Vice. Gov. Jonah Pimentel at mga bokal ng Sangguniang Panlalawigan.

Kaugnay nito, sinisimulan nang ipurchase ang mga computers na gagamitin sa nasambit na opisina at sinisiguro rin na may maayos na waiting area sa lugar.

Inaasahang magsisimula na sa buwan ng Setyembre ang operasyon ng naturang opisina kung saan apat na personel ang itatalaga para sa araw araw na transaksiyon dito.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Photo courtesy of Luigi Querubin

Leave a Reply

Your email address will not be published.