DELIVERY TRUCK, NAHULOG SA BANGIN SA LABO CAM NORTE!

bulhao608

Hulyo 23, 2017, Labo, Camarines Norte – Nahulog matapos umanong mawalan ng preno ang isang delivery truck sa isang bangin sa may bahagi ng Maharlika Highway, Brgy. Bulhao,Labo Camarines Norte dakong 7:40 ng umaga kamakalawa, Hulyo 21, 2017.

Maswerte namang nakaligtas at mga minor injuries lamang ang tinamo ng driver ng truck na si Nelvie Salgarino, 34 anyos, residente ng Cabuyao, Laguna at pahinanteng si Juanito Alfonso, 42 anyos, residente ng Kalibo Aklan.

Sa panayam ng DWLB Fm sa driver, patungo  umano ang truck sa bayan ng Daet mula sa Cabuyao, Laguna upang maghatid ng kahun-kahong energy drink subalit nang makarating sa nasambit ng lugar ay nawalan ito ng preno.

Upang hindi na umano makadamay pa ng iba, kinabig pakanan ng driver ang truck dahilan para mahulog ito sa bangin.

Inaalam na ang halaga ng pinsalang dulot ng aksidente.

Camarines Norte News

Photo courtesy of Dwlb Fm 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *