RANK 10 MOST WANTED PERSON NG BAYAN NG BASUD NA MAY KINAKAHARAP NA KASONG ACT OF LASCIVIOUSNESS, ARESTADO!

BASUDMPS608

Hulyo 24, 2017, Basud, Camarines Norte – Arestado ang isang construction worker sa Basud, Camarines Norte matapos hainan ng warrant of arrest para sa kasong Act of Lasciviousness in Relation to Republic Act 7610 (Anti Child Abuse Act).

Kinilala ang naarestong si Eduardo Molina y Adem alias “Kambal” 56 anyos, may asawa, construction worker at residente ng Purok 7, Brgy. Poblacion 1, Basud, Camarines Norte.

Dakong 9:30 ng umaga kamakalawa ng arestuhin ang suspek ng mga personel ng Basud Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Hunyo 20, 2017 para sa kasong Act of Lasciviousness in Relation to Republic Act 7610 (Anti Child AbuseAct).

May inirerekomenda ang korte na Php 80,000.00 halaga ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nabatid na ika-10 sa listahan ng municipal most wanted persons ng bayan ng Basud ang nadakip.

Nasa kustodiya na ng Basud MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

*Note: Naniniwala ang pahayagang ito na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.