70 PAARALAN SA LALAWIGAN NG CAMNORTE, MAGTATAGISAN SA PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND CLIMATE CHANGE ADAPTATION SKILLS OLYMPICS!

drr608

 Hulyo 26, 2017, Vinzons, Camarines Norte – Pitumpong (70) paaralan mula sa ibat ibang antas at bayan ng Camarines Norte ang maglalaban laban sa ginaganap na Provincial Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Skills Olympics ngayong araw hanggang araw ng biyernes, hulyo 28, 2017.

Isinasagawa ang nasambit na aktibidad sa Sanayang Pangkaligtasan sa Sitio Mat-i, Brgy. Sto Domingo, Vinzons, Camarines Norte na dinaluhan ng mga participants mula sa ibat ibang paaralang ementarya, sekondarya at kolehiyo sa lalawigan ng Camarines Norte.

Magtatagisan ang mga kalahok sa mga gawaing nakasentro sa Basic Life Support.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Regional Director Blanche T. Gobenciong ng OCD V, natutuwa umano siya sa aktibong pakikiisa ng mga MDRRMO sa isinasagawang aktibidad na ito at nais umano nitong ireplicate sa buong rehiyon ng Bicol ang “Super Batang Kalasag” na inilunsad ng PDRRMO sa pamamagitan ni Provincial Head Tony España.

drr2.608

Dagdag pa ng Direktor, sa pamamagitan ng Comprehensive Development Fund ay maaari umanong mag request ng karagdagang facilities sa National Disaster Risk Reduction Management Office (NDRRMO) ang mga LGU sa pamamagitan ng proposal sa nakakasakop na Office of Civil Defense (OCD).

May temang “Kamalayan sa Kahandaan, Katumbas ay Kaligtasan” ang naturang aktibidad na parte ng kassalukuyang ipinagdiriwang na National Disaster Consciousness Month.

drr603.608

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.