PROYEKTONG PAILAW NI MAYOR B2K SA MORENO INTEGRATED SCHOOL, PINAKIKINABANGAN NA!

Labis ang pasasalamat ng mga mag aaral at guro ng Moreno Integrated School para sa Proyektong Pailaw ni Mayor Benito “B2K”.

Kamakailan lamang ay nilagyan na ng street lights ang dalawang gate ng nasambit na paaralan.

Ayon sa mga mag aaral at guro, isa umanong problema ang noon ay madilim na bahagi ng lugar lalo na tuwing uuwi sila ng gabi. Ngayon ay nabawasan na ang takot at pangamba ng mga ito tuwing gagabihin dahil sa maliwanag na ang daanan palabas ng paaralan.

Nabatid na may dalawang shift ang klase sa naturang paaralan, isa sa umaga at isa sa hapon kung saan inaabot na ng 6:00 ang pang hapong shift kung kaya’t mapanganib na para sa mga ito ang maglakad sa madilim na bahagi ng paaralan.

mis1
mis2

Leave a Reply

Your email address will not be published.