SUNOG, SUMIKLAB SA ISANG PAUPAHAN SA BAYAN NG DAET!

fire608

Hulyo 29, 2017, Daet, Camarines Norte – Tinatayang Php 300,000.00 ang pinsalang dulot ng apoy na sumiklab sa isang paupahan sa Purok 1, Brgy. Burabod, Daet, Camarines Norte kagabi, Hulyo 28, 2017.

Base sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula dakong 6:45 ng gabi ang sunog sa naturang paupahan at idineklarang fire out dakong 8:00 ng gabi.

Kinilala ang may ari ng nasambit na paupahan na si Lea Dayaon Obita, residente ng nasambit na lugar.

Ayon sa pahayag ng mga residente sa naturang lugar, posibleng nag overheat na charger ng cellphone ang naging sanhi ng pagsisimula ng sunog.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nagsasagawa na ng follow up investigation ang BFP upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

 Photo courtesy of Chrysanth Jill Richa Apuya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *