PAG GAMIT NG FACEBOOK NG MGA KAWANI NG GOBYERNO, LIMITADO AYON SA CSC CAM NORTE!

fb608

Hulyo 30, 2017, Daet, Camarines Norte – Nararapat na limitado at para lamang sa opisyal na layunin ang pag gamit ng mga kawani ng gobyerno sa mga social networking sites kabilang na ang Facebook.

Ito ang naging paalala ni Camarines Norte Civil Service Commission Field Officer Director II Rosalinni Moneda sa panayam ng Brigada News Fm kahapon Hulyo 29, 2017.

Ayon sa opisyal, bagaman may mga opisina ng gobyerno na may facebook page, nararapat aniya na gamitin ang mga ito para sa opisyal na gawain katulad ng information dissemination at hindi para sa pang personal na gamit ng mga empleyado.

Nararapat aniya na gamitin ang oras ng mga kawani ng gobyerno sa kani-kanilang mga trabaho at iwasan ang pag gamit ng facebook sa dahilang nakakasagabal ito sa pag ganap sa kanilang mga tungkulin.

Dagdag pa dito, ipinaalala rin ni Moneda ang nararapat na pagsunod ng mga kawani ng gobyerno sa nakatakdang office hours batay sa ibinabang Memorandum Circular No. 1 series of 2017 ng CSC nitong nakatalikod na buwan ng Enero sa taong kasalukuyan.

Nakasaad dito na walong oras mula lunes hanggang biyernes ang tamang oras ng pagtatrabaho.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.