27 ANYOS NA BINATA, HULI SA AKTONG PAGNANAKAW SA DAET CAM NORTE!

Agosto 1, 2017, Daet, Camarines Norte – Huli sa aktong pagnanakaw ng cellphone ang isang 27 anyos na binata sa isang tahanan sa Daet, Camarines Norte kahapon ng madaling araw, Hulyo 31, 2017.

Kinilala ang suspek na si Jesus Bradecina Jr y Rada, 27 anyos, binata, truck helper, residente ng Purok 2, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, dakong 2:15 ng madaling araw kahapon, nagising umano ang biktima at may ari ng bahay na si Mary Grace Mariano y Osum, 37 anyos, may kinakasama at residente ng Purok 5, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte upang magtimpla ng gatas ng anak nito nang mahuli sa akto ang suspek na dinudukot sa bintana ng kanilang kwarto ang kanyang cellphone na nakapatong sa kama.

Tinawag umano ng biktima ang kinakasama nito at humingi ng tulong sa kapulisan.

Agad namang rumisponde ang personel ng Daet MPS at nadakip ang suspek.

Naibalik na rin sa biktima ang ninakaw na cellphone na nagkakahalagang Php 3,000.00.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *