Agosto 31, 2017, Daet, Camarines Norte – Inulan ng batikos sa social media mula sa mga netizens ang pamunuan ng Camarines Norte Electric Cooperative matapos ang hindi inaasahang ekstensyon ng brownout mula sa labing dalawang oras na umabot ng hanggang mahigit labing apat na oras.
Sa advisory na ipinalabas ng NGCP, sa pamamagitan ng CANORECO, magsisimula ang malawakang brownout sa buong lalawigan ng Camarines Norte simula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi.
Subalit, ang paghihintay ng publiko ng alas sais ng gabi ay nauwi sa matinding galit at inis matapos na lumagpas ito sa itinakdang oras.
Ayon sa NGCP, alas sais ng gabi, natapos na ang kanilang gawain.
Kagabi rin ay nagpalabas ng panibagong advisory ang pamunuan ng CANORECO na sinasabing mag eextend ng hanggang 30 minutos lamang ang brownout dahilan sa pagsasaayos ng ilan pang linya, subalit sa hindi inaasahan, lumagpas pa ito ng hanggang dalawang oras na ekstensyon.
Kaliwat kanang mura mula sa mga netizens ang pinakawalan sa social media dahil sa nasabing pangyayari.
Samantala, agaran namang humingi ng paumanhin CANOECO sa pamamagitan ni Acting General Manager Engr. Zandro Gestiada bunsod ng nasabing extention.
Paliwanag niya, nahirapan ang kanilang mga teachnical team sa pag sasaayos ng linya na kanilang isinagawa kasabay ng maintenance work ng NGCP.
Camarines Norte News

