Setyembre 1, 2017, Jose Panganiban, Camarines Norte – Dalawang binata sa bayan ng Jose Panganiban ang sinilbihan ng warrant of arrest dahil sa diumanoy paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Sa bisa ng search warrant no. D-94-2017 na ibinaba ni Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court Branch 40 ng Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Agosto 25, 2017, inaresto dakong 8:00 ng gabi kamakalawa sa Purok 1 Brgy. Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte sina Emmanuel Esplana y Loveria, alyas “Emman” ,35 anyos at Esmeraldo Esplana y Loveria, alyas “Smith”, 27 anyos, parehong binata at residente ng nasambit na barangay.
Naaresto ang dalawa ng pinagsamang pwersa ng PDEA Camarines Norte, Provincial Intelligence Branch- Camarines Norte Police Provincial Office at Jose Panganiban Municipal Police Station.
Kasamang nakuha mula sa mga suspek ang mga piraso ng ebidensiya na isang (1) nilukot na aluminum foil na may mga bakas ng hinihinalang shabu, isang (1) lighter at anim (6) na piraso ng maliliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang naarestong mga suspek para sa kaukuang disposisyon habang hinahanda na rin ang kasong isasampa laban sa mga to para sa paglabag sa Sections 11 at 12 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

