4.7KM TRANSMISSION LINE NG PRIME WATER, BINUKSAN NA! PAGLAKAS UMANO NG PRESSURE SA BAHAGI NG DAET AT BASUD, AASAHAN!

cnwd608.1

Agosto 20, 2017, Daet, Camarines Norte โ€“ Binuksan na nitong araw ng Biyernes, Agosto 18, 2017 ang pinakabagong transmission line ng PrimeWater/CNWD na may habang umaabot sa 4.7 kilometro na nagsimula sa Dagotdotan Filtration Facility sa Brgy Daculang Bolo, San Lorenzo Ruiz hanggang sa Barangay Magang sa Bayan ng Daet, Camarines Norte.

Isinagawa ang Blessing ang Inauguration sa ng 4.734KM 315mm diameter  PVC Parallel Transmission Line sa Pineapple Island Resort sa Brgy Calasgasan Daet ganap na alas 9 ng umaga na pinangunahan nina CNWD General Manager Maria Antonia Bernardina F. BomaPrimeWater Branch Manager Engr. Mark Anthony F. Morada IIPrimeWater Managing Director for Business Development Ms. Caroline Cadelina at CNWD Chairman of the Board Mr. Adolfo U. Ogad

Ayun sa mga opisyal ng PrimeWater/CNWD ang nasabing bagong linya ang inaasahang tutugon sa problema sa mahinang pressure ng tubig sa bahagi ng Basud, Mercedes at Daet South. Karagdagang 1,800 cubic meter kada araw ang inaasahang madaragdag ng water pressure sa nasambit na mga service area ng PrimeWater.

Dumalo din sa aktibidad ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan, kabilang sina Governor Edgardo Tallado, Vice Governor Jonah PimentelSangguniang Panlalawigan Public Utility Chairman Board Member Pol Gache at ilang mga alkalde.

cnwd608.2

Nag bigay din ng mensahe sa nasabing programa sina Local Water Utility Administration, LWUA Acting Administrator Hon. Jeci A. Lapus at ang Chairman ng Board of Trustees ng LWUA na si Hon. Rogelio B. Luy.

Sa Mensahe ni CNWD General Manager Boma, inihayag nito na ang nasabing proyekto ay katuparan ng nakasaad sa Joint Venture Agreement JVA, at ito rin umano ang magandang resulta ng itinataguyod ng pamahalaan na PPP o Public-Private-Partnership.

Samantala, sa mensahe ni Governor Edgardo Tallado sinabi nito na sa kabila ng sya, bilang gobernador ang isa sa nagtatalaga ng mga miyembro ng Hunta Direktiba ng CNWD, maging sya ay hindi nagmalay sa pakikipagsundo ng mga direktor sa pribadong kumpanya sa pamamagitan ng JVA.

Gayunpaman, dahil anya sa umiiiral na ang kasunduan, hiniling na lamang ni Governor Tallado na sana ay maging maganda nga ang magiging epekto nito sa mga konsesyunaryo.

Pakiusap din ng gobernador na kung maaari magkaroon ng moratorium sa pagpapatupad ng 12% VAT, o kung hindi man ay maging utay-utay ang pagpapatupad nito hanggat hindi pa naman ganap na nararamdaman ng mga mamamayan ang tunay na pagbabago o pag ganda ng serbisyo ng PrimeWater.

(Related News)

Samantala, sa kaugnay na balita, ang pagsasapribado ng CNWD sa pamamagitan ng JVA ay patuloy pa rin na kinukwestyon ng ilang mga konsumedores, kabilang na dito ang Camarines Norte Consumer Protection Group.

Nabatid na hanggang sa kasalukuyan ay may pending complaint o pag kwestyon ang nasabing grupo na isinampa sa Office of the President.

Hangad ng grupo na mapawalang bisa ang JVA at maibalik sa dati ang estado ng CNWD. Isang Signature Campaign ang ikinasa ng Grupo na nagpapahayag ng kanilang pag tutol sa JVA sa paniniwalang illegal ang Jint Venture Agreement at hindi ito beneficial para sa mga konsesyunaryo.

Isa pa sa mga inirereklamo ng mga konsesyunaryo ang pagpataw ng 12% VAT na nagsimula na isang taon matapos na malagdaan ang JVA.

Rodel Macaro Llovit

Leave a Reply

Your email address will not be published.