ISANG PRIBADONG OPISINA SA BAYAN NG DAET, PINASOK NG MAGNANAKAW; KAGAMITAN AT PERA NG MGA EMPLEYADO, NATANGAY!

Setyembre 21, 2017, Daet, Camarines Norte – Pinasok dakong 5:00 ng hapon kahapon, Setyembre 20, ng hindi nakilalang kawatan ang opisina ng Card Mutual Benefit Association (CMBA) na matatagpuan sa Salgado Apartment, Dulong Bayan Iraya, Brgy. III, Daet Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, nagising umano sa nasambit na oras ang book keeper ng opisina na si Christian Rabino y Nialega at napansing nawawala ang ilan sa kanyang mga personal na kagamitan.

Agad umanong sinabi ito ni Rabino sa kaniyang mga kasamahang empleyado at doon na nila nadiskubreng napasok na ng hindi nakilalang kawatan ang kanilang opisina sa pamamagitan ng hindi naka-lock na pinto sa bahagi ng 2nd floor.

Nakuha mula kay Rabino ang isang (1) puting Samsung cellphone na nagkakahalagang Php 1,000.00, isang (1) itim na wallet na naglalaman ng government identification cards, isang (1) body bag na naglalaman ng card bank ATM, isang (1) travelling bag na nagkakahalagang Php 1,000.00 at pera na nagkakahalagang Php 2,500.00.

Isang dark blue Lenovo cellphone na nagkakahalagang Php 3,500.00, at isang Lenovo bag na naglalaman ng cash na Php 3,000.00 naman ang natangay mula kay Nenrod Khem Areola y VidalInsurance Processor ng naturang opisina.

Kasama rin sa natangay ng kawatan ang isang (1) kulay dilaw na mountain bike na nagkakahalagang  Php 5,000.00 na pag aari ni Maria Shaina Alarcon y PradoManager ng CMBA.

Hindi rin pinalagpas ng kawatan ang isang (1) itim na Acer laptop, USB, memory card, IT tools at external hard drive na may kabuuang halagang Php 22,000.00, at isang (1) Samsung cellphone na nagkakahalagang Php 900.00, pawang mga pag aari ng CMBA.

Nagsasagawa na ang Daet MPS ng follow up investigation ukol sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagsauli sa mga ninakaw na pera at kagamitan.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *