Setyembre 22, 2017, Mercedes, Camarines Norte – Dinagsa ng mga deboto ang isinasagawa ngayong Fluvial Procession sa Daet river bilang pagdiriwang sa kapistahan ng mahal na Ina Nuestra Señora de Peñafrancia.
Ang paghatid ng Inang Peñafrancia sa kanyang tirahan sa Brgy 8 ay nagsimula sa pamamagitan ng isang prusisyon mula sa Daet Cathedral patungong Purok 6 sa Brgy Camambugan, Daet, Camarines Norte.
Mula sa nasambit na lugar ay ibinaba ang imahe ng mahal na Ina sa isang sampan at lalakbayin naman ang kahabaan ng Daet river hanggang sa may bahagi ng Daet bridge number 1 kung saan mula sa ilog ay iaakyat ito ipu-prusisyon patungo naman sa ermita na nasa Brgy 8 na kanyang orihinal na tirahan.
Habang isinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy ang Fluvial Procession kahit na inabot na ito ng malakas na ulan.
Samantala, siniguro ng Daet PNP, Philippine Coastguard at MDRRMO Daet ang kaayusan at kaligtasan ng lahat ng dumalo sa nasambit na prosisyon.
Bago naman ang naturang prosisyon, siniguro ng LGU Daet sa pangunguna ni Mayor Benito Ochoa ang kalinisan at kaayussan ng Daet river upang maging maayos at tuloy tuloy ang daloy ng sampan ni Ina sa naturang ilog.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
Photos courtesy of Daet MPS

