Setyembre 24, 2017, Daet, Camarines Norte – Kinilala ang Daet Municipal Police Station bilang Best Municipal Police Station para sa cy 2016.
Personal na tinanggap ni Psupt Wilmor G. Halamani, Chief of Police ng Daet MPS ang mga parangal na Best Municipal Police Station for cy 2016 at Special Unit Award on Double Barrel mula mismo kay PNP Chief Ronald Dela Rosa na dumalo sa naturang pagdiriwang.
Isinagawa ang pagbibigay parangal sa Camp Ola, Legazpi City kung saan ginanap ang 116th Police Service Anniversary ng Philippine National Police nitong nakatalikod na Biyernes, Setyembre 22, 2017, na may temang “Buhay ng Pulis Handang Ibuwis para sa Katahimikan at Kaayusan ng Bayan”.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

