1O TONELADANG GINTO, IBINAON SA ILALIM NG KAPITOLYO NG CAM NORTE NOONG PANAHON NG HAPON, AYUN SA ILANG TREASURE HUNTERS! SP, HINDI PUMAYAG NA MAGSAGAWA NG EXPLORATION SA LUPA NG KAPITOLYO!

hunting1.608

Setyembre 29, 2017, Daet, Camarines Norte – Hindi inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang hinihinging endorsement  sa pamamagitan ng isang resolusyon ng isang Bernardine Rafael Cabrera Jr. upang magsagawa nang treasure hunting o exploration activity sa ilaim ng Provincial Capitol Building sa bayan ng Daet.

Ito ang kinumpirma ni Bokal Pol Gache sa panayam ng Cool Radio News FM sa kaniya kaninang umaga.

Ani ng Bokal, hindi umano pahihintulutan ng Sangguniang Panlalawigan ang planong exploration dahil wala ni isa sa body ang nagpahayag ng suporta at pag eendorso dito.

Dagdag pa ng opisyal, matagal na umano ang kwento kwento sa diumano’y mga treasures sa nasambit na lugar subalit maging siya mismo ay hindi naniniwala dito.

Matatandaang nitong nakatalikod na araw ng miyerkules, Setyembre27, 2017, humarap sa Sangguniang Panlalawigan si Cabrera kasama ang ilang personel mula sa National Museum kaugnay ng hinihingi ni Cabrera na endorsement upang magsagawa ng ng exploration sa ilalim ng Provincial Capitol Building para hanapin ang diumano’y 10 toneladang gold bars  na ibinaon diumano ng mga Hapon sa naturang lugar noong panahon pa nang pananakop ng mga ito.

Ayon kay Mr. Angel BautistaAssistant Director at Chief Admninistrative Officer ng Cultural Properties Regulations Division ng National Museum, pinagkalooban umano nila ng permit asi Cabrera  dahil kumpleto ang mga dokumentong isinumite nito at sumunod ito sa umiiral na treasure hunting law.

hunting2.608

Naging batayan umano ni Cabrera ang hawak nitong pitong (7) mapa na mula sa kaanak ng isang driver na nasa mismong lugar diumano nang inilagay dito ang mga gold bars. May kontak din umano ito ang mismong pamilya ng driver na bagaman patay na ay naikwento umano sa mga anak ang tungkol sa diumano’y nabaon na yaman.

Gayunpaman, nilinaw ni Bautista na bagaman hindi inaprubahan ng SP ang endorsement, hindi sila ang magdedesisyon kung itutuloy ang pagsasagawa ng exploration dahil ayon umano sa batas,  sila ay dapat na magmonitor, magregulate ng treasure hunting activity at mag issue lamang ng permit para dito. Hindi umano sila ang maaaring magbigay ng pahintulot sa mismong pagsasagawa ng exploration at kailangan muna umano ng clearance mula sa Pamahalaang Panlalawigan dahil public land ang naturang lugar.

Naninidigan naman si Bokal Pol Gache na hindi matutuloy ang planong exploration dahil iisa ang desisyon ng SP na tutulan ito at kung siya mismo umano ang tatanunging nasa 95% porsiyento aniya na walang treasure sa nasambit na lugar batay na rin sa mga una nang nagtangka na iexplore ito na wala namang naitalang positibong resulta, bagay na kinumpirma rin ng National Museum.

Samantala, hindi naman aniya tuluyang isinasara ng SP ang pintuan para sa naturang usapin subalit sa ngayon ay hindi pahihintulutan ang naturang gawain.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Photos courtesy of Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *