Oktubre 3, 2017, Daet, Camarines Norte – Isang real estate agent sa bayan ng Daet ang inaresto ng mga otoridad dahil sa kinakaharap nitong kasong paglabag sa Cyber Crime Law.
Kinilala ang naarestong si Nancy Barlis y Abanes, 37 anyos, dalaga, real estate agent at residente ng Purok 1, , Brgy Mancruz, Daet, Camarines Norte.
Nadakip sa Barlis sa tahanan nito sa nasambit na lugar dakong 9:30 ng umaga kahapon, Oktubre 2, 2017 nang mga personel ng Daet Municipal Police Station (MPS) at Camarines Norte Criminal Investigation Detection Team sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court, Branch 40, Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Mayo 17 ng taong kasalukuyan para sa dalawang (2) beses na paglabag sa Section 4(c) sub paragraph 4 (Libel — The unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future) of R.A. 10175, mas kilala bilang Cyber Crime Act of 2012, sa ialalim ng criminal cases no. 18084 and 18085.
May inirerekomenda ang korte na Php 24,000.00 halaga ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

