Oktubre 5, 2017, Daet, Camarines Norte – Dagdag umento sa maliit na buwanang pensiyon ang panawagan ng mga senior citizens kasabay ng ipinagdiriwang ngayong linggo na elderly week sa lalawigan ng Camarines Norte.
Hiling ng mga senior citizen groups sa lalawigan na sana ay itaas naman ang kanilang buwanang pensiyon na limandaang piso (Php 500.00) at gawin itong dalawang libong piso (Php 2,000.00) man lang.
Sa tala ng DSWD Provincial Office, 17% lamang umano ng nakakatanggap ng Php500.00 na buwanang pensyon sa kabuuang tala na 18,931 senior citizens sa buong lalawigan at 177,302 naman sa buong Bicol.
Batay sa R.A. 994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, kailangang mapalawak at mapabuti ang benepisyo sa mga karapat dapat na senior citizens at magbibigay ng proteksyon sa mga ito sa hindi pantay na pagtrato ng ilan at kapabayaan.
Target naman ng DSWD na madoble ang tinatanggap na buwanang pensyon ng umaabot sa 2.8 milyong senior citizens ngayong taon mula sa statistics na 1.3 milyong nang nakaraang taon.
Ang pagdiriwang ng elderly week na may temang paggalang,pagkilala at pagsama sa universal pension program ay pinangungunahan ng mga ahensiya ng pamahalaan una na ang DSWD, DOH, Philhealth at mga binuong senior citizen groups.
Orlando Encinares
Camarines Norte News

