Oktubre 6, 2017, Daet, Camarines Norte – Matagumpay na isingawa ngayong araw ang Awarding Ceremony para sa Most Outstanding Senior Citizens Friendly Barangay of Daet.
Isinagawa ang nasambit na pagpaparangal sa Agro Sports Center, Daet, Camarines Norte na dinaluhan ng 24 BASCA sa bayan ng Daet.
Pinangunahan ni Committee on Senior Citizens Chairman Konsehal Renato “Atoy” Moreno ang nasambit na pagpaparangal. Bagaman wala sa nasambit na okasyon ay buo naman ang suporta dito ni Mayor Benito Ochoa ng bayan ng daet.
Ayon kay Ma’am Teresa T. Hapil, Head ng Office of Senior Citizen Affairs ng LGU Daet, bago ang nasambit na pagpaparangal, sumailalim umano sa evaluation ang lahat ng barangay sa bayan ng Daet kung saan pinili ang mga barangay na nagpakita ng katangi tanging pagpapahalaga sa mga Senior Citizens sa ibat ibang larangan tulad ng Institution Bldg, Social Development, Comfort for the Aged, Economic Development at iba pa.
Sa dulo ay wagi ang Barangay III na nakakuha ng unang puwesto, Barangay VIII na nakuha ang ikalawang puwesto at Barangay VI naman sa ikatlong puwesto.
Nakuha naman ng Barangay V at Barangay Alawihao ang Special Award for Best Practice habang nakuha naman ng Barangay Camambugan ang Special Award for the Barangay that Provided Highest Fund Allotment for BASCA.
Most improved Senior Citizens naman ang mga Barangay ng Alawihao, Camambugan, Lag on, V, Burabod, Mambalite, Dogongan, Pamorangon at Awitan.
Sa huli ay nagpasamat ang ginang sa walang sawang suporta ni Mayor Ochoa sa mga proyekto at programa ng kanilang tanggapan maging sa lahat ng mga senior citizens sa bayan ng Daet,
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

