HEPE NG PARACALE MPS, NAHAHARAP SA KASONG MURDER KAUGNAY NG PAGKAKAPATAY SA 2 DRUG SUSPECT SA ISANG BUY BUST OPERATION!

Oktubre 13, 2017, Paracale, Camarines Norte – Kasong murder ang kinakaharap ngayon ng hepe ng Paracale MPS na si Senior Insp. Manuel Sarmiento matapos na ibaba ng Naga Prosecutors Office nitong nakatalikod na Agosto 2017 ang isang resolusyon na nagsasaad na kinakitaan umano ng probable cause ang reklamo laban dito at sa iba pang kapulisan kaugnay ng pagkakapatay sa dalawang drug suspect sa bayan ng Paracale.

Nabatid na nag ugat ang nasambit na isyu nang mapatay ang habal- habal driver na si Jaydee Juguilon at kasama nitong isang Richard Jalimao matapos di umanong manlaban sa kapulisan sa isinagawang buy bust operation noong Hulyo 2016.

Base sa ulat ng kapulisan, nanlaban umano ang dalawang drug suspect dahilan para mapilitang barilin ang mga ito ng nasambit na hepe.

Taliwas naman ito sa naging imbestigasyon ng NBI base sa mga testimonya ng mga testigo.

Bukod kay Sarmiento ay sampung (10) kapulisan pa mula sa kanilang hanay ang sinampahan din ng kasong Obstruction of Justice kaugnay ng nasambit na operasyon.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang naturang opisyal na wala pa umanong natatanggap na kopya ng resolusyon ng piskalya.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *