BUMABABANG BILANG NG KRIMEN SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, IKINATUWA NG PPOC!

Oktubre 15, 2017, Daet, Camarines Norte – Ikinatuwa ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Camarines Norte ang patuloy na pag baba ng bilang ng mga nagaganap na krimen sa lalawigan.

Ayun kay SSupt. Rudolf DimasProvincial Director ng Camarines Norte PNP at miyembro din ng PPOC, ang naitalang pagbaba ng bilang ng krimen ay epekto pa rin ng pinaigting na kampanya ng Duterte administration laban sa illegal ng droga.

Sa kanilang monitoring sa mga kusang sumuko at nagpatala na mga gumagamit at nagtutulak ng droga, iilan na lamang sa mga ito ang bumalik sa dating gawi, at anya, karamihan sa mga ito ay tuluyan nang tinalikuran ang nasabing bisyo.

Sa talaan ng pulisya, karamihan ng nagaganap na krimen sa bansa ay may kinalaman sa pag gamit ng droga.

Ayun kay SSUpt Dimas, kung tuluyan na itong makokontrol ng gobyerno, tuloy tuloy na rin ang pagbaba ng krimen hindi lamang sa ating lalawigan kundi maging sa buong bansa.

Panawagan pa ng opisyal sa publiko na makipag tulungan sa pulis sa pamamagitan ng pag papaabot ng impormasyon sa pulisya ng kanilang mga nalalaman sa droga man o ibang krimen upang agarang maaksyunan bago pa man sila ang maging biktima ng mga ito.

Tinitiyak naman ng pulisya na magiging confidential ang pagkakakilanlan ng kanilang mga impormante para na rin sa kaligtasan ng mga ito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *