Oktubre 16, 2017, Paracale Camarines Norte – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isang lalaking diumanoy nakaalitan nito sa Purok 2A, Brgy. Tawig, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ang biktimang si Rey Daang y Alivio, 57 anyos, may asawa, magkakabod at residente ng Purok 2, Brgy. Osmena, Jose Panganiban, Cam. Norte.
Ayon sa imbestigasyon ng Paracale Municipal Police Station, dakong 3:40 ng hapon nitong nakatalikod na araw ng biyernes nang dumating sa lugar ng insidente ang suspek na si Allan Acula y Encinas, nasa hustong edad, mangingisda at residente ng Purok 2-B, Brgy. Tawig ng parehong bayan.
Nakiusap umano ang suspek sa biktima na bigyan siya nito ng piraso ng ginto subalit tumanggi ang biktima.
Doon na umano bumunot ng hindi pa natukoy na kalibre g baril ang suspek at makailang beses na pinagbabaril ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Matagal nang alitan ang itinuturong motibo sa pamamaril.
Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Paracale MPS para sa pagkadarakip ng tumakas na suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa sa korte laban dito.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

