Oktubre 24, 2017, Paracale, Camarines Norte – Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa barikada sa harapan ng kampo ng 2nd Maneuver Platoon of Camarines Norte Provincial Public Safety Company sa Sitio Nico, Brgy. Dalnac, Paracale, Camarines Norte dakong 6:30 kagabi, Oktubre 23, 2017.
Kinilala ang biktima na si Allan Parol, nasa hustong edad, residente ng Sta Rosa Norte, Brgy Dalnac, Paracale, Camarines Norte.
Sa ulat na nakaabot sa Camarines Norte Police Provincial Office, habang malakas umano ang buhos ng ulan ay minamaneho ng biktima ang pag aari nitong kulay asul na Honda CB 125 na may temporary plate number 052402.
Walang anu ano ay sumalpok na lamang ito sa steel barricade sa nasambit na lugar.
Agad naman umanong rumisponde ang mga personel ng MDRRMO-Paracale at isinugod ang biktima sda Labo District Hospital subalit dahil sa tindi ng tinamo sa aksidente ay agad din itong inilipat sa Panlalawigang Pagamutan kung saan idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Napag alamang walang suot na helmet ang biktima at nasa impluwensiya ito ng alak base sa alcolohic breath test ng CNPH.
Nakipag ugnayan na ang Paracale MPS sa mga kaanak ng biktima upang ipaalam ang insidente.
Camarines Norte News

