PAGSUNOD SA REROUTING AT DESIGNATED PARKING AREAS, IPINAALALA NI COP HALAMANI SA MGA MAGTUTUNGO SA MGA SEMENTERYO SA BAYAN NG DAET!

Nobyembre 1, 2017, Daet, Camarines Norte – Mahigpit ang naging paalala ni Daet PNP Chief Psupt. Wilmor G. Halamani sa mga motorista at mga kababayan na magtutungo sa mga sementeryo na sumunod sa mga itinakdang rerouting at designated parking areas upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko sa labas ng mga sementeryo.

Ayon sa panayam ng Cool Radio News Fm sa naturang opisyal, 5:00 palang umano ng madaling araw ay naka porma at naglatag na ang mga personel ng Daet MPS ng mga signages na magiging gabay ng mga motorista na magtutungo sa mga sementeryo sa bayan ng Daet partikular na sa may bahagi ng Daet Cemetery kung saan inaasahan ang bugso ng mga tao at motorista.

Ayon sa opisyal, mananatiling one-way ang bahagi ng F. Pimentel Avenue hanggas bukas para sa mga sasakyang magmumula sa bahagi ng Basud at mula dito ay pwede lamang umanong dumaan sa Diversion Road kung magtutungo sa sentro ng Daet.

Para naman sa mga sasakyang magmumula sa Daet North patungo sa Daet Cemetery o sa bahagi ng Pasig, maaaring gamitin ang F. Pimentel Avenue subalit kakanan sa Ofelia Street at kakaliwa naman patungong J. Lukban street at lalabas ng Lusito street.

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapark ng mga sasakyan sa loob at mismong tapat ng sementeryo. Itinalagang parking area naman umano ang kalahati ng mga kalsada sa pagitan ng Ofelia at Luisito St. sa bahagi ng Pasig.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *