LALAKI PATAY MATAPOS SAGIPIN ANG ISANG NALULUNOD NA MENOR DE EDAD SA ISANG BEACH RESORT SA BAYAN NG PARACALE!

pdaga608

Nobyembre 2, 2017, Paracale, Camarines Norte – Hindi na nakaligtas pa ang isang lalaki matapos malunod nang sagipin nito ang isang kasamahan habang naliligo sa Pulang Daga Resort sa Purok 6, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang nasawing si Edgar Herrera y Ombao, 43 anyos, may asawa, bakasyunista sa nasambit na lugar at residente ng No. 8 Ilang-ilang St., Mother Earth, Talon Dos, Las Piñas City.

Ayon sa imbestigasyon ng Paracale Municipal Police Station, dakong 8:30 ng umaga kahapon, Nobyembre 1, habang naliligo ang biktima sa nasambit na resort, napansin nitong nalulunod ang isa sa mga menor de edad na kasamahan nito.

Agad umanong rumisponde ang biktima upang sapagipin ang nalulunod na kasama.

Mapalad namang nasagip nito ang menor de edad subalit sa kasamaang palad ay hindi na nito nailigtas ang sarili dahil sa malalakas na alon na naging dahilan ng pagkalunod nito.

Agad naman umanong dinala ang biktima sa Rural Health Unit ng Paracale at kalaunan ay inilipat sa Labo District Hospital sa Brgy Talobatib, Labo, Camarines Norte subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Samantala, dinala na ang bangkay ng biktima sa punerarya at sumailalim na rin sa post mortem examination.

Orlando Encinares

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *