MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG NO PARKING ZONE SA MGA NATIONAL ROADS SA BAYAN NG DAET MAGPAPATULOY – COP HALAMANI!

no.park608

Nobyembre 6, 2017, Daet, Camarines Norte – Magpapatuloy ang isinasagawang paghihipit sa mga no parking zones sa mga pangunahing lansangan sa bayan ng Daet kung saan magugunitang marami na ang nasampolan mula nang magsimula ito nitong nakalipas na araw ng huwebes, Nobyembre 2, taong kasalukuyan.

Sa naging panayam ng Cool Radio News Fm kay Daet PNP Chief Psupt Wilmor G. Halamani, ang isinasagawa nilang paghihigpit ay base umano sa department order ng Department  of Public Works and Highways (DPWH) kung saan nakasaad na wala dapat anumang obstruction at malinis ang mga National Highways tulad ng Vinzons Ave., F. Pimentel Ave., at Bagasbas road sa bayan ng Daet.

Aniya, maaaring gamitin ang isang side ng mga secondary roads tulad ng F. Segundo at Pineapple St. bilang parking space ng mga motorista.

Dagdag pa ng hepe, maaari lamang umanong tumabi ang mga sasakyan sa mga national roads kung ito ay magbaba o magsasakay ng mga pasahero.Pinagbibigyan rin umano ang mga sasakyang tatabi upang bumili sa mga nasa tabing tindahan ngunit dapat umano ay hindi ito magtagal at ang driver umano ay nasa nakaparadang sasakyan.

Dagdag pa nito, pilit rin umano nilang sinusolusyunan ang probleman dulot ng mga delivery trucks ng mga malalaking tindahan na inaabot ng ilang oras sa pagbababa ng mga kargamento na isa sa mga nagiging balakid sa maayos na daloy ng ibang mga sasakyan.

Sa katunayan aniya ay mayroon na siyang proposal sa Sangguniang Bayan na hinihiling na gawing 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw na lamang ang pagdidskarga ng mga kargamento ng mga delivery trucks sa mga establisyemento sa bayan ng Daet.

Nilinaw din ni COP Halamani na maaari naman umanong magtinda sa tabing kalsada ang mga sidewalk vendors simula 5:00 ng hapon.

Inamin din ng hepe na nakakatanggap umano sila ng mga batikos ukol sa kanilang paghihigpit dahilan sa may mga oras umano na wala umanong police visibility kung kayat mayroon pa ring mga pasaway na nag papark bagaman may mga no parking signs nang nakalagay dito.

Paglilinaw ni Halamani,sa ganitong paraan umano ay tinuturuan din ang mga motorista na magkaroon ng disiplina at pagkukusa sa pagsunod sa batas. Hindi naman umano pwedeng laging may pulis sa mga nasambit sa kalsada sa kadahilanang may mga ibang trabaho din silang inaasikaso partikular na sa pagsugpo ng kriminalidad sa bayan at pagpapanatili ng kaayusan dito.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *