PRINCIPAL’S OFFICE SA ISANG PAARALAN SA BAYAN NG SANTA ELENA, NILOOBAN NG HINDI NAKILALANG KAWATAN!

608-map-Sta.-Elena

Nobyembre 6, 2017, Sta. Elena, Camarines Norte – Pinasok ng hindi nakilalang kawatan ang Principal’s Office ng Juan Amparo Elementary School sa Purok 4, Brgy. Kabuluan, Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa, araw ng Sabado.

Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Elena Municipal Police Station, dakong 3:00 ng hapon kamakalawa ng madiskubre ni Ginang Maristela Balmes, guro sa nasambit na paaralan na napasok na ng di nakilalang suspek ang nasambit na opisina kung saan natangay mula dito ang isang (1) projector na nagkakahalagang  Php 35,000.00; isang (1) electric hand saw na nagkakahalagang Php5,000.00; at isang (1) concrete hand driller na nagkakahalagang Php4,000.00.

Pinaniniwalaang nakapasok ang kawatan sa pamamagitan ng pagsira sa padlock ng pintuan na nagsisilbing entrance at exit ng naturang opisina.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Sta. Elena MPS para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagsauli sa mga ninakaw na kagamitan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *