Disyembre 8, 2017, Jose Panganiban, Camarines Norte – Huli sa aktong pagnanakaw sa isang sari-sari store ang isang babae sa Market Site, Brgy.South Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si May Dumadalog y Tupaz, 23 anyos, dalaga, residente ng Purok 5, Brgy. Parang ng parehong bayan.
Sa imbestigasyon ng Jose Panganiban Municipal Police Station, dakong 12:10 ng hapon kahapon, Disyembre 7, nang mahuli sa akto ng biktimang si Florenda Maligat y Era, 44 anyos, may asawa at residente ng Purok 1, Brgy. Motherlode ng nasambit na bayan ang suspek na kinukuha ang money box o lalagyan ng pera ng biktima na nasa tindahan nito sa una nang nasambit na lugar.
Nabatid na naglalaman ang naturang box ng pera sa ibat ibang denominasyon na may kabuuang halaga na Php 19, 161.00.
Sinubukan pa umanong tumakas ng suspek subalit nahuli din ito at dinala sa Jose Panganiban MPS.
Nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban dito.
Camarines Norte News

