DALAWA SA TATLONG BATANG NALUNOD SA BAYAN NG MERCEDES, NATAGPUAN NA; ISA, PATULOY NA HINAHANAP!

Nobyembre 16, 2017, Mercedes, Camarines Norte – Dalawa na ang natagpuan sa tatlong batang naiulat na nalunod kagabi sa dagat na sakop ng Brgy. 4, Mercedes, Camarines Norte.

Sa ulat ng Mercedes Municipal Police Station, dakong 12:00 ng tanghali ngayong araw nang matagpuan ang isa pa sa tatlong batang nalunod kagabi na positibo namang kinilala ng mga magulang nito.

Natagpuan ang bangkay ng 6 na taon na bata sa dalampasigan na sakop ng Brgy.6 ng parehong bayan ni Noel Torres y Benitez, 49 anyos, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Nabatid na dakong 6:00 kaninang umaga nang matagpuan ang isa pa sa mga batang nawawala.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang search and retrieval operation para sa isa pang nawawalang biktima.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *