LIBRENG INTERNET, BINUKSAN NA SA CNSC MAIN CAMPUS!

cnsc.freewifi608

Nobyembre  18, 2017, Daet, Camarines Norte – Mapapakinabangan na ng mga mag aaral at empleyado ang libreng internet sa ilang bahagi ng Camarines Norte State College Main Campus.

Ito ay matapos na ilunsad ng Management Information System (MIS) ng naturang paaralan ang free wifi project na sa kasalukuyan ay nasa Beta Test Phase pa.

Bagaman nasa testing pa ito, maaari na umanong maaccess ang libreng internet sa limang (5) Wifi Hotspots sa naturang campus.

Matatagpuan ang mga wifi hotspots sa Student Park,1st Floor at 2nd Floor ng ESF Building, Management Information System Office, Quadrangle Stage at sa likod ng General Administration Building.

Sinisikap pa umano ng naturang opisina na mas palawakin pa ang sakop ng libreng internet.

Nagpaalaa rin ang pamunuan na iwasan ang pag download ng malalaking files at para sa educational purposes lamang ang nasambit na libreng internet. Magkakaroon umano sila ng mahigpit na pagbabantay sa mga network activities at kanilang tatanggalin ang mga device na aabuso dito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *