CERTIFICATE OF LAND OWNERSHIP AWARDS, IPINAMAHAGI NG DEPT OF AGRARIAN REFORM SA MGA KWALIPIKADONG MAGSASAKA SA LALAWIGAN NG CAMNORTE!

dar1

Nobyembre 21, 2017, Daet, Camarines Norte – 123 kwalipikadong magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte ang tumanggap ng titulo ng lupa sa isinagawang ARBs Forum Cum EP/CLOPA Distribution ng Department of Agrarian Reform kaninang umaga sa Bel Air Resort, Brgy. Lag-on, bayan ng Daet.

May kabuuang sukat na 222.9977 ektarya ng lupain ang ipinamahagi ng nasambit na ahensiya ng gobyerno sa 123 magsasaka mula sa 11 bayan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nabatid na walang nabigyan sa bayan ng Talisay dahil sa kawalan ng titulo ng karamihan sa mga lupain dahilan para matagalan ang proseso ng pamamahagi dito subalit isinusulong na umano ito.

Samantala, personal na pinangunahan ni DAR Undersecretary for field operation Atty. Karlo S. Bello ang pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award sa mga nasambit na benepisyaryo.

dar2

Dumalo rin sa naturang programa si Bicol DAR Dir. Engr. Rodolfo S. Pangilinan at iba pang opisyal ng DAR.

dar3

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *