Nobyembre 22, 2017, Paracale, Camarines Norte – Patay ang isang 45 anyos na lalaki matapos makuyente habang patay din matapos madamay dito ang 18 anyos na anak nito sa Purok 2, Brgy. Gumaos, Paracale, Camarines Norte dakong 8:45 ngayong umaga.
Kinilala ang mag ama na sina Pepito Ilustre, 45 anyos at Arvin Ilustre, 18 anyos, kapwa residente ng naturang lugar.
Base sa report ni Kabalikat Charity member 108-33, nag aayos umano ng linya ng kuryente sa loob ng kanilang tahanan si Ginoong Pepito subalit nakalimutan umano nitong iabab ang fuse breaker dahilan para makuryente ito.
Sinubukan naman umanong sumaklolo ng binatang anak nito subalit sa kasawiang palad ay nadamay din ito sa pagkakakuryente.
Sa kasalukuyan ay nasa lugar pa ng insidente ang katawan ng mga biktima habang hinihintay ang mga imestigador.
Camarines Norte News

