LALAKI, PATAY MATAPOS MABANGGA NG TRICYCLE SA BAYAN DAET!

cnsc.acc608

Nobyembre 27, 2017, Daet, Camarines Norte – Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng isang tricycle habang nakatayo sa tabing kalsada sa harap ng Camarines Norte State College Main Campus, F. Pimentel Ave., Daet, camarines Norte nitong nakatalikod na Sabado ng gabi, Nobyembre 25, 2017.

Kinilala ang biktimang si Ferdinand Obusan Y Magana, 53 anyos, residente ng #53 Vinzons Avenue, Vinzons, Camarines Norte.

Base sa ulat ng Daet Municipal Police Station, dakong 9:30 ng gabi nitong nakatalikod na Sabado habang nakatayo umano ang biktima sa nasambit na lugar ay dumating ang isang pribadong tricycle na minamaneho ng suspek na kinilalang si Jerald Ulat Y Zamora, 43 anyos, residente ng Purok 9, Barangay Mantagbac, bayan ng Daet.

Nabatid na mabilis ang takbo ng nasambit na tricycle at sa hindi inaasahan ay nabundol nito ang biktima.

Agad na rumisponde ang mga personel ng MDRRMO Daet sa pinangyarihan ng aksidente at dinala ang biktima sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Samantala, nadakip na rin ang suspek na napag alamang nasa impluwensiya ng alak nang maganap ang aksidente base sa medical examination na isinagawa dito.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Daet MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon gayundin ang tricycle na sangkot sa aksidente.

Camarines Norte News

Photo courtesy of Dom Balmes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *