MAGNANAKAW SUMALAKAY SA ISANG TAHANAN SA BAYAN NG DAET!

Disyembre 12, 2017, Daet, Camarines Norte –Pinasok ng hindi nakilalang kawatan ang tahanan ng isang government employee sa Greenland Subdivision Brgy. Alawihao Daet, Camarines Norte dakong 12:00 ng tanghali kahapon, Disyembre 11, 2017.

Sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, nagulat na lamang umano ang biktima at may ari ng bahay na si Marlon Crisostomo y Del Barrio, 32 anyos, may asawa at residente ng nasambit na lugar nang madikubreng napasok na ng di nakilalang kawatan ang kaniyan tahanan sa pamamagitan ng  pagsira sa doorknob ng pinto sa likurang bahagi ng bahay.

Natangay mula sa loob ang isang (1) netbook na nagkakahalagang Php 5,000.00, isang (1) Seiko automatic na relo na nagkakahalagang Php 4,5000 at isang (1) ballcap na nagkakahalagang Php 600.00.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Daet MPS upang matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagsauli sa mga ninakaw na kagamitan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *