MOTORSIKLO, TINANGAY HABANG NAKAPARADA SA ISANG COMPOUND SA BAYAN NG DAET!

Disyembre 12, 2017, Daet, Camarines Norte – Isang Honda XRM na motorsiklo ang tinangay ng hindi nakilalang suspek habang nakaparada sa isang compound sa Purok 7 Brgy. V Daet, Camarines Norte kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima at may ari ng motorsiklo na si Ben Benidicto y Soreba, 37 anyos, may asawa at residente ng Abordo Compound sa Purok 7 Brgy. V Daet, Camarines Norte.

Base sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, dakong 6:00 ng umaga kahapon, Disyembre 11 nang madiskubre ng biktima na wala na sa loob ng kanilang compound ang naka-park na motorsiklong pag aari nito na isang XRM na may plate number  na 1394 EM.

Sinubukan pa umanong hanapin ng biktima ang motorsiklo subalit bigo ito.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng follow up investigation ang Daet MPS ukol sa pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagrekober sa ninakaw na sasakyan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *