47 ANYOS NA PADRE DE PAMILYA, PATAY SA PAMAMARIL NG LIMANG KALALAKIHAN SA BAYAN NG CAPALONGA!

capalongamap608

Disyembre 18, 2017, Capalonga, Camarines Norte – Tatlong tama ng bala sa ulo ang agad na ikinamatay ng isang lalaki sa isang insidente ng pamamaril ng mga hindi nakilalang suspek sa Purok  6 Brgy Magsaysay, Capalonga, Camarines Norte dakong 1:10 ng hapon kahapon, Disyembre 17, 2017.

Kinilala ang biktima na si Tirso Glomar, 47 anyos, may asawa at residente Purok 2, Brgy. Old Camp, Capalonga, Camarines Norte.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Capalonga Municipal Police Station, habang nasa pataniman ng pinya ang biktima,nilapitan umano ito ng limang (5) hindi nakilalang kalalakihang armado ng hindi matukoy na kalibre ng mahahabang armas.

Sapilitan umano itong dinala sa provincial road at pagsapit sa Hanlab Bridge sa nasambit na lugar ay doon na umano ito tatlong (3) beses na pinaputukan sa bahagi ng ulo na agad nitong ikinamatay.

Narekober mula sa crime scene ang tatlong (3) spent shells ng 5.56 mm cartridge.

Inaalam pa ang motibo sa naturang pamamaril.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang mga personel ng Capalonga MPS ukol sa pagkakakilanlan at pagkadarakip ng mga suspek habang sasailam naman sa autopsy examination ang bangkay ng biktima.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *