MAGSASAKA, NATAGPUANG WALA NG BUHAY SA ILALIM NG HANGING BRIDGE SA CAPALONGA CAMNORTE!

magsaysay2

Disyembre 19, 2017, Capalonga, Camarines Norte – Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan g isang 46 anyos na magsasaka sa Purok 6, Brgy. Magsaysay, Capalonga, Camarines Norte kahapon ng umaga, Disyembre 18, 2017.

Base sa report ng Capalonga Municipal Police Station, dakong 6:00 ng umaga kahapon nang makatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa diumaoy bangkay ng isang lalaking natagpuan sa nasambit na lugar.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga personel ng nasambit na istasyon ng pulis sa pangunguna ng intel oparatives at duty investigator at doon na tumambad ang katawan ng biktimang kinilalang si Samson Clacio y Bayani, 46 anyos, magsasaka at residente ng parehong barangay na wala ng buhay at nakahandusay sa ilalim ng hanging steel bridge sa naturang lugar.

magsaysay1

Ayon sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Miguel Clacio, dakong 7:30 umano ng gabi ng Disyembre 17, 2017 nang huling makitang nakikipag inuman ang biktima sa mga kaibigan nito. Pinilit umanong umuwi ng biktima sa kabila ng kalasingan nito.

Pinaniniwalaang nadulas ang biktima habang naglalakad sa hanging bridge at nahulog sa sementadong pathway sa ibabang bahagi ng tulay kung saan nagatamo ito ng mga injuries sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Capalonga MPS sa naturang insidente at sasailalim na rin sa autopsy examination ang katawan ng biktima.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.