FINANCIAL ASSISTANCE PARA SA MGA MAG AARAL SA GRADE 7 SA BAYAN NG BASUD AT JPANG, NAIPAMAHAGI NA!

basudjpang608

Disyembre 20, 2017, Daet, Camarines Norte – Mahigit 400 na mag aaral mula sa bayan ng Basud at Jose Panganiban ang nakatanggap na ng Php 2,000.00 financial assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Nitong nakatalikod na araw ng huwebes, Disyembre 14, 2017 ay personal na tinungo ni Provincial Administrator Alvin Tallado ang mga nasambit na bayan upang pangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga grade 7 students na grantee ng Provincial Government High School Educational Assistance Program (PGHSEAP).

basud1

basud3
basud2

Sa bayan ng Basud, naging katuwang ni Provincial Administrator sa pamamahagi sa mahigit 200 na mag aaral sina Bokal Renee Herrera Depante at  Hon. Mayor Adrian Davuco habang sa bayan naman ng Jose Panganiban ay mahigit 200 na mag aaral din ang tumanggap ng nasambit na tulong pinansiyal.

jpang2
jpang1

Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga grantees maging nang kanilang mga magulang sa nasambit na programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov Egay Tallado dahil malaking tulong umano ito sa mga gastusin sa kanilang pag aaral.

Camarines Norte News

Photos courtesy of Prov. Admin. Alvin Tallado FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published.