1 PATAY, 1 SUGATAN SA SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO SA BAYAN NG STA ELENA!

Disyembre 21, 2017, Sta. Elena, Camarines Norte โ€“ Patay ang isang driver habang sugatan naman ang isa pa matapos aksidenteng magsalpukan ang dalawang (2) motorsiklo sa bahagi ng Maharlika Highgway, Purok 9, Barangay Poblacion, Santa Elena, Camarines Norte dakong 1:30 kaninang madaling araw.

Kinilala ang nasawing driver na minamaneho ang isang Racal motorcycle na walang plate number si Enrique Jara y Agon,42 anyos, residente ng Sitio Tinawid, Barangay Salvacion ng nasambit na bayan habang kinilala naman ang sugatang driver ng Yamaha motorcycle na may plate number TK3890 na si John Daryl Del Pilar y Portugal, 17 anyos, residente ng Purok 4, Barangay San Lorenzo ng parehong barangay.

Base sa imbestigasyon ng Santa Elena Municipal Police Station, mula sa Brgy. Poblacion ng naturang bayan ay binabaybay umano ng Racal motorcycle ang kahabaan ng Maharlika Highway patungong Brgy. Rizal habang tinatahak naman ng Yamaha motorcycle ang kasalungat na direksiyon nang sa pagsapit sa lugar ng insidente ay aksidenteng nagkabanggan ang dalawang motorsiklo dahil na rin umano sa malakas na buhos ng ulan at madulas na kalsada.

Dulot nito, nagtamo ng mga injuries sa ibat ibang bahagi ng katawan ang dalawang driver na agad namang isinugod sa Rosary of Virgin Mary Hospital sa Barangay Poblacion ng naturang bayan.

Sa kasawiang palad ay idineklarang dead on arrival si Jara ng attending physician habang inilipat naman sa Caarines Norte Provincial Hospital si Del Pilar.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya nan g Sta. Elana MPS ang dalawang motorsiklong sangkot sa insidente para sa kaukulang disposisyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.