MAGKAHIWALAY NA INSIDENTE NG PANANAKSAK, NAITALA SA ARAW NG PASKO SA BAYAN NG STA ELENA AT SAN VICENTE; MGA SUSPEK, PAWANG NASA IMPLUWENSIYA NG ALAK!

Disyembre 26, 2017, Daet, Camarines Norte – Dalawang magkahiwalay na insidente ng pananaksak ang naitala sa bayan ng Sta. Elena at San Vicente kahapon, araw ng Pasko kung saan pawang pawang nasa impluwenisya ng alak ang mga suspek.

____________________________________________________________________

Sta. Elena, Camarines Norte – Nauwi sa pananaksak ng suspek na si Peejay Amparo y Rico, 23 anyos, binata sa biktimang si Michael Salire y Gregorio, 38 anyos ang inuman ng mga ito kasama ang mga kaibigan sa Purok 3, Barangay Rizal, Santa Elena, Camarines Norte dakong 5:30 ng hapon kahapon.

Sa imbestigasyon ng Sta. Elena Municipal Police Station, habang nag iinuman ay nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng biktima na humantong sa pamumukpok ng bote ng alak ng suspek sa ulo ng biktima.

Gamit ang nabasag na piraso ng bote ay inundayan pa umano ng saksak ng suspek ang biktima sa ibabang bahagi ng kanang tenga nito.

Agad na isinugod sa Rosary of Virgin Mary (ROVIMA) Hospital sa Brgy Poblacion ng naturang bayan ang biktima na kalaunan ay inilipat rin sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet.

Nadakip naman agad ng kapulisan ang suspek at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.

____________________________________________________________________

San Vicente, Camarines Norte – Sugatan ang dalawang padre de pamilya matapos masangkot sa isang insidente ng pananaksak sa Purok 1, Barangay San Jose, San Vicente, Camarines Norte dakong 3:45 ng hapon kahapon.

Kinilala ang biktima na si Edgardo Dumael y Thomas, 52 anyos, may asawa at residente ng nasambit na lugar.

Base sa report ng San Vicente Municipal Police Station, nagpapahinga umano sa terrace na kanilang tahanan ang biktima kasama ang pamangkin nito nang bigla na lamang itong sugudin ng suspek na si Lorenzo Abogado Jr, 54 anyos, residente ng parehong barangay na nasa impluwensiya ng lalak.

Nakaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa at sa hindi inaasahan ay bigla na lamang sinaksak ng suspek ang biktima sa tiyan nito.

Nagpambuno pa umano ang dalawa at naagaw ng biktima ang patalim ng suspek. Gumanti ng saksak ang biktima na tumama sa ibat ibang bahagi ng katawan ng suspek.

Matapos maawat ay agad na dinala sa Leon D. Hernandez Hospital sa bayan ng Daet ang biktima habang isinugod din sa Camarines Norte Provincial Hospital ang suspek.

Matagal nang alitan ang itinuturong ugat ng nasambit na pananaksak.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *