SUNDALO AT BINATILYO SUGATAN MATAPOS MASAGI NG ISANG VAN ANG SINASAKYANG MOTORSIKLO SA BAYAN NG BASUD!

Disyembre 26, 2017, Basud, Camarines Norte – Sugatan ang isang sundalo at menor de edad na anak nito matapos aksidenteng masagi ng isang pambridadong van ang sinsakyang motorsiklo habang tinatahak ang Maharlika Highway sa bahagi ng Purok Agoho, Brgy. Poblacion II, Basud, Camarines Norte dakong 10:50 ng gabi kamakalawa, Disyembre 24, 2017.

Sangkot sa naturang aksidente ang isang Hyosung motorcycle na may plate number RF 9898, minamaneho ni Technical Sergeant Delfin Arroyo y De Luna ng Philippine Army, 50 anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Pagsangahan ng nasambit na bayan at isang kulay puti na van na may conduction sticker GB 9474.

Sa imbestigasyon ng Basud Municipal Police Station, tinatahak ng motorsiklo ang nasambit na kalsada mula sa Brgy. Pagsangahan patungo sa sentro ng bayan nang pagsapit sa lugar ng insidente ay bigla na lamang dumating mula sa likuran ang nasambit na van na tinatahak ang parehong direksiyon at nasagi ang motorsiklo.

Dahilan nito, nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang driver ng motorsiklo at 14 anyos na binatilyong anak nito na agad namang dinala sa Panlalawigang Pagamutan habang tumakas naman ang van na sangkot sa aksidente.

Nagsasagawa nang follow up investigation ang Basud MPS na nakipag ugnayan na rin sa Land Transportation Office (LTO) upang matukoy ang pagkakakilanlan ng driver/owner ng tumakas na sasakyan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *