18 ANYOS NA BINATA, BINUGBOG NG HINDI NAKILALANG SUSPEK/MGA SUSPEK SA BAYAN NG DAET!

Disyembre 29, 2017, Daet, Camarines Norte โ€“ Agad na dinala sa pagamutan ang isang 18 anyos na binatang biktima ng pambubugbog ng di nakilalang mga suspek/mga suspek sa DRYNX Restobar, Brgy. Lag-on, Daet, Camarines Norte dakong 2:00 ng madaling araw kamakalawa, Disyembre 27, 2017.

Kinilala ang biktimang si Aaron Keith Buena, 18 anyos, residente ng Brgy. Itomang, Talisay, Camarines Norte.

Sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, habang nakikipag inuman umano ang biktima sa mga kaibigan nito sa nasambit na restobar, bigla umanong lumapit ang hindi nakilalang suspek/mga suspek.

Nagkaroon umano ng maiit na pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek/mga suspek na humantong sa pambubugbog.

Nagtamo ng mga injuries sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital  para sa kaukulang atensiyong medikal habang agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksiyon.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Daet PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek/mga suspek at pagkadarakip dito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.