TATLO SUGATAN SA PANANAGA NG ISANG LALAKI SA CAPALONGA CAMNORTE!

Nobyembre 29, 2017, Capalonga, Camarines Norte – Tatlo ang sugatan sa isang insidente ng pananaga na naganap sa Purok 1, Barangay Old Camp, Capalonga, Camarines Norte dakong 11:30 ng gabi kamakalawa, Nobyembre 27m 2017.

Kinilala ang mga biktima na sina Aries Brimbuela y Glomar, 36 anyos, may asawa, driverJonathan Brimbuela y Glomar, 34 anyos, binata, magsasaka, kapwa residente ng Purok 5 ng nasambit na barangay at Ronnie Taniang, 23 anyos, binata, magsasaka, residente ng Purok 1 ng parehong barangay.

Sa imbestigasyong isinagawa ng Capalonga Municipal Police Station (MPS), bago naganap ang pananaga, naglalaro umano ng baraha sa lamay ng kanilang kamag anak ang mga biktima at ang suspek na kinilalang si Adam Jose Hapak y Doe, 34 anyos, residente ng parehong lugar.

Aksidente umanong naitulak ni Aries ang upuan ng suspek dahilan para matumba ito, bagay na ikinagalt ng suspek.

Matapos ito, umalis patungo sa tahanan nito ang suspek subalit bumalik ito sa lugar na may dala dalang bolo at doon na umano tinaga ang mga nasambit na biktima.

Bunga nito, nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital Annex II sa Barangay Catioan  ng parehong bayan para sa kaukulang atensiyong medikal.

Samantala, agad naman umanong tumakas ang suspek matapos ang insidente at naiwan sa lugar ang bolo na ginamit sa pananaga.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Capalonga MPS para sa posibleng kinaroroonan ng suspek at pagkadarakip dito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *