26 ANYOS NA BINATA, NATANGAYAN NG MGA GADGETS SA ISANG INSIDENTE NG PANLOLOOB SA BAYAN NG DAET!

Enero 3, 2017, Daet, Camarines Norte – Natangay ng hindi nakilalang suspek ang mga gadgets ng isang binata sa isang insidente ng panloloob na naganap sa Purok 8, Brgy. IV, Daet, Camarines Norte dakong 4:00 ng madaling araw  kahapon, Enero 2, 2017.

Kinilala ang biktiang si Erwin Saman Zenarosa, 26 anyos, binata at residente ng nasambit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, natutulog umano ang biktima sa kwarto nito sa nasambit na lugar nang maganap ang pagnanakaw kung saan napasok ng kawatan ang naturang silid sa pamamagitan ng pag akyat sa isang plastic na upuan sa labas at pagbukas sa kahoy na bintana ng kwarto.

Nang tuluyang makapasok ay tinangay na nito ang isang (1) Samsung Galaxy Note 4 cellphone na kulay pula at brown na nagkakahalagang PHP 13,000.00,  isang (1) Cherry mobile cellphone na nagkakahalagang PHP 500.00 at dalawang (2) Samsung Tablet – Tab 3, na kulay itim at Tab 4 na kulay puti na may IMEI No. 358310067228164.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Daet MPS para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadarakip dito gayundin ang pagsauli sa mga ninakaw na kagamitan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.