INSIDENTE NG PANANAKSAK SA BAYAN NG MERCEDES, NAITALA SA PAGPAPALIT NG TAON; SUSPEK KUSANG LOOB NA SUMUKO!

stab.mercedes608

Enero 3, 2018, Mercedes, Camarines Norte โ€“ Kasagsagan ng pagdiriwang ng bagong taon ay isang tawag ang natanggap ng MDRRMO- MERCEDES hinggil sa  pananaksak sa isang lalaking pinangalanang Emilio Lancion, nasa pagitang edad na 30-40 taong gulang at residente ng purok 1, Bgy. Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte dakong  12:24 ng madaling nitong nakatalikod na Enero 1,2018.

Agad na rumisponde sa nasambit na lugar ang mga personel ng  MDRRMO at dinala sa panlalawigang pagamutan ang biktima subalit sa kasawiang palad ay hindi na umabot pa ng buhay.

Batay sa ulat ng Mercedes PNP, kahapon  ay kusang loob nang sumuko ang suspek na kinilalang si Marvin Naida, 23 taong gulang at residente ng naturang lugar tatlong araw matapos ang insidente.

Ayon naman sa salaysay ng suspek, sinasaktan umano siya ng biktima pati na rin ang kaniyang ina dahilan upang depensahan umano ang sarili kaya nagawa ang krimen.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang naturang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Orlando Encinares

Camarines Norte News

Photo courtesy of MDRRMO Mercedes

Leave a Reply

Your email address will not be published.